Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman
Sabi nga sana ang buhay laging tama o mali
At ang katanungan simpleng tama o mali
Kung ganon dalangin kong ikaw mamalagi sa pinakatangi pinakamimithi
Ngunit pa'no kung ang hinahanap mong ligaya
Ay nagkataong nalaman mong naro'n pala
Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa 'yo
Pa'no ba mananatiling totoo
Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin
At paano ka pipili kung wala kang pipiliin
Ano ang gagawin ng pusong 'di mapagbigyan
Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam
May isang paruparong paroroo't paririyan
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Pa'no ka magpapasya
Pa'no mo mapagkasya
Pa'no ba mapag-isa ang isa't isa
Kung isang araw magtalo ang panata't panaginip
At ang iisa mong puso minsan ay magdal'wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam
Sa dulo't bungad ng pinagtagpo't natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang sukatan alin nga ba ang mas mabigat
Sa isang sugatan ang tunay ba o ang nararapat
Kung isang araw maghalo ang panata't panaginip
At ang iisa mong puso minsan ay magdal'wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam
Sa dulo't bungad ng pinagtagpo't natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang
Na nalilibang
Na nagigibang naninimbang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman