Sino Ka Ba, Jose Rizal (feat. Bayang Barrios, Lani Misalucha & Noel Cabangon)
Jose Rizal Doktor Jose Rizal
Jose Rizal Doktor Jose Rizal
Ikaw raw ay bayani ng bayan
Buhay mo'y pinag-aaralan
Kahit musmos alam ang iyong pangalan
Ang dating ay parang si superman
Monumento ka kahit saan
Ka'y rami rami mong nalalaman
Ngunit sino ka sino ka nga bang talaga (sino ka ba sino ka ba)
Sino ka ba Jose Rizal sino ka ba
Mayron nga bang taong kasing dunong mo
Sino ka ba Jose Rizal sino ka ba
Mayron nga bang taong katulad mo
Doktor pintor siruhano arkitekto iskultor
Bata pa'y nanalo na ng tula at drama
Tunay bang kay rami na ng alam niya
Nangolekta ng kay raming medalya
Mahusay na manunulat (di lang henyo sa isipan pati sa puso pa)
Kahit sa mga lenggwaheng banyaga
Nangolekta rin ng mga nobya
Italyano Aleman Franses Kastila
Nellie Josephine Leonor Leonor segunda at marami pang iba
Sino ka ba Jose Rizal sino ka ba
Mayron nga bang taong kasing dunong mo
Sino ka ba Jose Rizal sino ka ba
Mayron nga bang taong katulad mo
Ngunit sino ka sino ka ba
Sino ka nga bang talaga (sino ka ba)
Sino ka ba Jose Rizal sino ka ba
Mayron nga bang pinoy na kasing galing mo
Sino ka ba Jose Rizal sino ka ba
Mayron bang pinoy na katulad mo