Narito

Narito ang puso ko
Inaalay lamang sa'yo
Aking pangarap kahit saglit
Ang ikaw at ako'y magkapiling
Minsan pang makita ka
Damdamin ay sumasaya
Lungkot napapawi
Buhay ko'y ngingiti
Sa sandaling pag-ibig mo'y makamit

Puso ko'y narito
Naghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaasam
Tanggapin mo ang puso kong narito
Hanggang matapos ang kailanman

Bawat kilos mo't galaw
Minamasdan tinatanaw
Laging nangangarap kahit saglit
Ang ikaw at ako'y magkapiling

Puso ko'y narito
Naghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaasam
Tanggapin mo ang puso kong narito
Hanggang matapos ang kailanman

Kahit di malaman o maintindihan
Kahit na masugatan ang puso
Naghihintay sayo
Maghihintay ako

Puso ko'y narito (narito)
Naghihintay sa pag-ibig mo (naghihintay sa'yo)
Ikaw lamang ang inaasam
Tanggapin mo tanggapin mo (tanggapin mo)

Puso ko'y narito
Naghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaasam
Tanggapin mo ang puso kong narito
Tanggapin mo ang puso kong narito
Hanggang matapos ang kailanman

Trivia about the song Narito by Gary Valenciano

On which albums was the song “Narito” released by Gary Valenciano?
Gary Valenciano released the song on the albums “At the Movies” in 2003 and “The Platinum Ballad Collection” in 2008.

Most popular songs of Gary Valenciano

Other artists of Religious