Ikaw sa Salamin

Angelo Bernales

Kay ganda ng gabi
Pininturahang itim na langit
Sana nga'y tinitingnan
Nati'y iisa
Magkaisa kaya ang mga pusong
Sinadya ng tadhana
O kaya'y parte lang ng iyong storya
Para lang matuto ka
Tingnan mo ang salamin
Kay ganda mo ngang tanawin
Animo'y mga bituin
Ayos lang na hindi sa'kin
Ikaw ang mga tala
Na hindi ko mahahawakan
Pagbitaw ng mga
Salitang puso ang nagkatha
Sa pagitan ng mga tawa
Ikaw ang nagdulot ng saya
Magpapadaloy pa ba sa mga agos
Na gawa sa luha ng mitsa
O kaya'y mananatili sa buhanging iniipit
Ang paa papunta sa iyo
Tingnan mo ang salamin
Kay ganda mo ngang tanawin
Animo'y mga bituin
Ayos lang na hindi sa'kin
Hagkan ka ang natatagong yaman
Na hindi ko mananakaw
Parang panaginip ang makilala ka
Tanggap ko ang lungkot sa iyong mga mata
At kung ako si Sol
At ikaw naman si Luna
Na minsan lang magtagpo
Kay ganda ng ating pagtagpo
Tingnan mo ang salamin
Kay ganda mo ngang tanawin
Animo'y mga bituin
Ayos lang na hindi sa'kin
Ikaw ay bigay ni Bathala
O istorya ng mortal sa diwata
Hindi ako magsasawa
Repleksyon mo'y kumikinang na tala

Trivia about the song Ikaw sa Salamin by Gelo

Who composed the song “Ikaw sa Salamin” by Gelo?
The song “Ikaw sa Salamin” by Gelo was composed by Angelo Bernales.

Most popular songs of Gelo

Other artists of