Opinyon

Geo Ong

Napapansin mo ba na parang niloloko na tayo
Ng mundong sobrang talino binobobo na tayo
Pinapaikot na ng pera ang lahat ng tao
Mga networking na ang lakas mang gago
Dinadaan tayo sa marketing na pa kape kape
Hangga't walang napapala mangungulit gabi-gabi
Papakitaan ka ng kotseng 'di naman kanila
Marami nang nabiktima diyan dinaan ng iba
Yung iba aba talagang naka suit at tie pa
Para mag mukhang mayaman para bumigay ka
Sa loob ng isang buwan yung pera mo ay doble na
Walang ganun walang instant kaya sorry ka
Tayo kasing mga Pinoy masyadong mahilig sa easy money
Baka nakakalimot ka 'di tayo si Manny
Maigsi lang ang buhay matuto tayong magsikap
Mag-isip ng maigi para 'di tayo maghirap

Mga kapatid kayo'y makinig (kuya kuya kuya)
Si Kristo'y darating tayo'y magbigay para tayo'y pagpalain (kuya kuya kuya ano ba)
Humingi tayo sa ating mga kasalanan tayo'y magbago na tayo'y magbigay para gawain ng Panginoon (pangkain lang po kuya kuya sige na po kuya kuya doon ka nga nagtratrabaho din ako panira ka eh)

Napakarami kong tanong saking isipan
Na 'di na masagot magdamag ko mang titigan
Ang Bibliya na tao lamang ang may gawa
Sa dami ng relihiyon ito'y totoo pa kaya
Sino bang dapat nating paniwalaan sa kanila
Kasi ultimo sila paniniwala'y magkakaiba
'Di ba't isa lang naman ang dapat na sinasamba
Ba't nagtatalo talo pa yun ay kailangan ba
Tingin ko to'y negosyo na rin ng pari at pastor
Oo maraming matino pero mas maraming impostor
Baka nga yung di nagsisimba mapunta pa sa langit
Kasi 'di tulad nyo ang Diyos 'di namin ginagamit
Nasa simbahan linggo linggo pero pangit ang ugali
Sabi nila buhay mo ay pwede ibahagi
Para pag talikod mo pag uusapan ka nila
Kala mo mga perpekto huhusgahan ka nila

Yan po ang kwento ng buhay ko
Ah kaya pala malandi ni-rape pala ng tatay
Di lang yun pati yunh ate nyan pokpok
Pokpok oo iba-ibang lalaki kasama ewan ko ba hanggang ngayon dito parin sila nagsisimba
Ah siguro nasa na talaga nila yan malalandi

Kaya kayo kung ako sa inyo wag tayong magpaloko
Matuto tayong mag-isip huwag tayong magpabobo
Magsisimba linggo linggo tapos peperahan ka
Paano ko nasabi 'pag kulang bigay mo bibilangan ka
Bakit tumatanggap na ba ng pera ang Diyos
Obligasyon bang magbigay kahit kinakapos
May bayad na pala ngayon ang kanyang serbisyo
Kung kayo ang taga singil nasan ang resibo
Tax free ang simbahan kaya ang yaman nyo na
Punong puno na ng abuloy ang laman ng bulsa
'Di pwedeng kusang loob kailangan may pursyento
Kesyo pampatayo daw ng simbahang konkreto
Inaalam pa nila kung magkano ka sumahod
Ang iyong sinasahahod sa kanila umaanod
Buhay pa tayo pero para na tayong nakalibing
Sa wakas Panginoon may anak ka na pong nagising

Huwag sana nating pagkakitaan ang Diyos
Manampalataya na lang tayo sa kanya bagkus
Yan lang naman ang gusto nyang maramdaman mula sa atin at
Siya nang bahala sa ating mga suliranin
Mga may kasalanan satin atin nang patawarin
Kung mabuti ang loob mo ikaw ay pagpapalain
At ang lahat ng narinig mo ay aking opinyon
At alam kong magkakaiba tayo pagdating dun

Trivia about the song Opinyon by Geo Ong

When was the song “Opinyon” released by Geo Ong?
The song Opinyon was released in 2018, on the album “Concerned Citizen”.

Most popular songs of Geo Ong

Other artists of Asian hip hop