Ulan (Acoustic)

Gianne Talastas

Urong sulong
Ang ating puso
Kailan ka ba mapapasakin
Titila biglaang bubugso
Basang basa sa ulan ng iyong damdamin

Parang nakikipaghabulan
Sa hanging habagat
Walang nakakasigurado
Kung saan ito muling hahampas

Tuluyan na ang pusong handang maghintay
Hayaan nang umapaw ang sakit
Tuluyan nang lunurin
Ang pusong lasing sa pagibig
Tuluyan nang mamanhid
Ang pusong sabik

Minuminuto
Binibilang kada segundo
Na ako'y nasa yakap mo
Kailan ang bukas na pinangako mo

Parang hanging amihan
Susulpot biglaang lumilisan
Araw gabi hinahabagat
Paggising ika'y wala
Ako'y nababahala

Tuluyan na ang pusong handang maghintay
Hayaan nang umapaw ang sakit
Tuluyan nang lunurin
Ang pusong lasing sa pagibig
Tuluyan nang mamanhid
Ang pusong sabik

Trivia about the song Ulan (Acoustic) by Gian

Who composed the song “Ulan (Acoustic)” by Gian?
The song “Ulan (Acoustic)” by Gian was composed by Gianne Talastas.

Most popular songs of Gian

Other artists of Sertanejo