Ganti
Ako'y patawarin mo
Nararamdaman ko ay ubos na
Pag-ibig na lubos
Natapos na
Pinangarap kitang mahalin
Habang buhay
Arugain hangga't tayo'y may apo na
Lumabo ating mga mata
Ngayo'y pasensya hindi ko kaya
Pagka't ako ay upos na
Nakalimutan na may hangganan
Mahalin ang sarili
Yan ang aking sabi
Ngayon wala na (ngayon wala na)
Sayang pag-asa (sayang pag-asa)
Puso ko'y manhid na
Patawarin mo ako
Hanggang dito nalang ako
Batid ko ang sakit
Alaala'y bumabalik puso'y nananabik
Sayong halik
Ngayon wala ng hiling
Naitulak sayo ang poot at pighati
Ngayo'y tayo'y
Tayo'y patas na
Masakit man ang sawi
Ngayo'y tayo'y
Tayo'y patas na
Tayo'y patas na
Tayo'y tapos na