ABAKADA
Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinag hirapan ko
Hayaan mo nalang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada
Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog
Marami na ang syang nahasa
Mahuhusay na mga bata
Sumusulat ng talata
Bihira na yata ang medyo namumutla
Nakahanda na patunayan
Mga nakikipag sabayan
Ang mapikon ay kawawa
Pagkat mayroong nais lang ay ang mangutya
Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinag hirapan ko
Hayaan mo nalang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada
Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog
Nag simula ako non ganito palang bumanat
Ng mga sinulat kong pilit na kinakalat
Tuloy tuloy parin kahit palaging inaalat
Mag pakilala pangalan ko ay mailamat
Nakinig ng nakinig sa mga awitin ng buto buto kahit pa inuubo
Sinikap ko talagang makabisado ito
Huwag mo na muna kong tanungin
Kung magkano noon ang kinita ko
Di naman don ako nakatingin kahit nakakasikaw ang nasa paligid nyo
Nakalimutan nyong
Pinuno kong maleta
Kahit pa nakakadena
Taga hugas taga linis
Taga punas ng banyot kobeta
Walisan mong bangketa
Teka meron bang problema
Talagang ganon sa haba ng panahon ay pinatalas kong lanseta
Puwede ba naman na di mo balikan ang bagay na pinili mo kahit nakapikit pa
Napag iwanan kasi walang laman ang pitaka na pinakamaliit ang kita
Nag abang ako sa pila
Labanan na patapos di pa
Kapag ginawa mo na ang lahat Iibinigay mo ng tapat ay napapalingon ang mga nakakalingat
Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinagdaanan ko
Hayaan mo nalang sila ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada
Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada
Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog