Bugtong
Di yata dapat ginawa to'
Parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin
Hindi na sisilipin
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin
Sasabihin sasabihin sasabihin sasabihin
Pwedeng tao pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Parang tao parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Malamang ang ibinoto 'y corrupt
Tao n'ang kanyang likod ang ginagawang harap
Tutungtong sa entablado at makikiharap
Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan
Parang awitin na laging nasa tono
Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado
Tituladong abogadong milyonaryong mabaet
May isan dosenang anak sa patong-patong na kabet
Tingnan ang baet parang di ka nahihiya
Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga
Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis
Mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis
Ay panis kay bangis kapag ikaw ang kumagat
Walang natitira sit lahatpati buto't balat
Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya
Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya
Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom
Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong
Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan
At kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan
Pwedeng tao pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Parang tao parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Di yata dapat ginawa to'
Parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin
Hindi na sisilipin
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin
Sasabihin sasabihin sasabihin sasabihin
Na para bang hindi ka makahinga
Natatakot na baka biglang maamoy nila
Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara
Sa malaki at matigas na tiyan 'y kakasya pa ba
Araw-araw kang busog pero di ka makadighay
Hinay-hinay lamang baka ho inyong ikamatay
Magtiwala ka anak yan ang sabi ni inay
Pero bakit lahat ay sanay na sanay sa lagay
Ganyan dito sa pinas ewan ko lang sa iba
Magkano ba ang amin jan yan lang ang mahalaga
Teka tulungan nio ako sinong malinaw ang mata
Ituro niyo kung sinong di milyunaryo sa kamara
Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib
Tinuruan lang ako na maging mapagmasid
Sa tagal ng panahon mahirap maging manhid
Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib
At binuhusan ng mertiolet sa laman nakadikit
Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalet
May pag-asa pa ba ang bayang nakataya
Ang patipatong pag nawala sinong mahiya
Pwedeng tao pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Parang tao parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Pwedeng tao pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Parang tao parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko
Di yata dapat ginawa to'
Parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin
Hindi na sisilipin
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin na