Industriya

Gloc-9

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin yayaman ka (makinig ka samin)
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Pare tingnan mo sisikat din ako di nga (di nga)

Ito ay mga kaganapan sa buhay
Ng isang tao sa mundo ng ibat-ibang kulay
Ilaw na patay sindi
Kahit na hindi gabi
Malalakas na tugtugin na nakakabingi

Pero ito ang dinasal ito ang hinagilap
Kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap
Habulin hulihin lunurin baguhin ang sarili
Matulin-tulin bunutin pag natibo ka ng bote

Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa
Kahit na alam mo ang puhunan mo dugo't luha
Meron kang dala dalang 'di alam ng iba
Lamunin man ng kaba ininsayo mo na

At hinding hindi ka papayag na 'di mo maabot
Kahit ulitin pang iyong layo't laot may mahamog
Madilim at malayo maalon na daan
Kahit na ano pa yan ay kanyang lalampasan

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin yayaman ka (makinig ka samin)
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Hoy si idol (hm mayabang naman yan e)

Liwanag na nakakasilaw simula sa araw
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw
Sigawan ng mga tao kahit saan mapunta
Ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba

Kahit ano ang iyong gawin ay kanilang bibilhin
Makita lang ang kinang ng iyong bituwin
Sa bilis ng pangyayari di mo namalayan
Bagong bahay lote kotse lupa at kayamanan

Na sa iyong kamay na gustong kamayan ng lahat
Kaibigan na hindi mo na bilang
Na laging nakaakbay gusto kang sabayan sa daan
Papayungan ka kapag umuulan

Ika'y nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng 'yong hawak naging bangungot ang

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin yayaman ka (makinig ka samin)
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Hoy kilala mo ba yan (oo laos nayan)

Panahon ay dumaan naging pangilan-ilan
Pag sampa ng entablado nakalimutan
Na mga awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upuan na nakikinig lang ay ikaw

Sa isang iglap tila wala ng nakakakilala
Di mo matangap kasi wala ng nakakaalala
Dumating ang tagtuyot ni walang kamalay malay malungkot
Dahil di ka nagtatabi ng palay nung sagana sa lahat

Madami kang kaibigan na akala mo hinding hindi ka tatalikuran
Ng iyong mapag-alaman na ikay napag iwanan makatapos ng lahat
Ikaw ang pinagtatawanan dahil

Nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat
Ang layo ng nirating di mo nakita ang hinanap
Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang

Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad

Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Dun samin sisikat ka
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (malapit ka samin)
Dun samin yayaman ka (makinig ka samin)
Dun samin (sumama ka samin)
Dun samin (lumapit ka samin)
Dun samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Dun samin
Dun samin
Dun samin
Dun samin
Dun samin
Dun samin
Dun samin
Dun samin
Dun samin
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya

Trivia about the song Industriya by Gloc-9

When was the song “Industriya” released by Gloc-9?
The song Industriya was released in 2016, on the album “Sukli”.

Most popular songs of Gloc-9

Other artists of Film score