Liwanag

Gloc-9, Francis M.

Intro:
Alam kong madami tayong problemang pinagdaraanan
Pero isa lang ang dapat nating gawin
Hanapin natin ang liwanag

Chorus:
Bakit 'di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Bakit 'di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Verse 1:
Makinig sa mga salitang aking isinulat
At buksan ang mga mata na hindi nakamulat
Matagal ko nang gustong lahat kayo'y kausapin
'Wag mawalan ng pag-asa ano man ang suliranin
Bawat kirot, bawat sakit na 'yong nararamdaman
Manalig ka lamang at ito'y malalampasan
Pupunasan ang luha 'di na muli pang luluha
Isipin lang na paa niya ang nakabakas sa putik at 'di sayo

Chorus:
Bakit 'di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Bakit di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Verse 2:
Ang pangalan ko'y Allan, isang batang lansangan
Palaboy-laboy naghihintay na ako'y kaawaan
At abutan ng kahit na ilang pirasong barya
May sakit ang aking ina't wala na'ng aking ama
Meron akong nakakatandang kapatid na babae
Nagtatrabaho sa gabi saki'y may nakapagsabi
Kahit walang pagbabago't patuloy ang paghihirap
Ito'y hindi hadlang sa akin upang ako'y mangarap
At manalangin sa Maykapal, patuloy na magdasal
Ang araw ay sisikat at hindi rin magtatagal
Bukas ay liliwanag ako'y di Niya iiwanan
Kahit ang makasalanan ay di Niya papabayaan
Salamat po Ama

Chorus:
Bakit 'di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Bakit 'di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Verse 3: (Francis M.)
Sa pagsindi ng kandila liwanag ang ibinigay
Liwanag na hatid ng araw sa bukang liwayway
Ito'y sinulat ng aking kamay, inisip ng aking utak
Tinype ng daliri na siya na ring humahawak ng mikropono
Mic check with rhymes na may sense, I creep to my stand
So I can rap, my friends
Itong lahat ay sinulat, parang balitang inulat
Lahat ng tao'y nagulat, sa pagsambulat namulat
Di ko masabi kung bakit ganon na lang tingin sa akin
Ng mga taong humanga, biyayang galing sa langit
Pasasalamat sa hari na siyang namumukod tangi
At di nyo kayang bilangin ang mga butil ng buhangin
Kaya't ang tanging dalangin tuloy-tuloy na palarin
Tuloy-tuloy na umawit na siyang tunay na hangarin
Ito na rin marahil ang kailangan nating gawin
Umamin sa ating mga sala
Ama ako ay Iyong patawarin

Chorus:
Bakit 'di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Bakit di mo pagbigyan
At pintuan mo'y buksan
Ang siyang hinahanap ko
Nariyan lang sa puso mo

Outro:
Kahit ga'no man kadilim ang bawat gabi na sa atin ay nagdaraan
Lagi nating isipin na ito'y may kasunod na umaga
Umaga na nagdadala ng liwanag
At liwanag, liwanag na nagbibigay ng pag-asa
Halika, sumama ka sa 'kin

Trivia about the song Liwanag by Gloc-9

When was the song “Liwanag” released by Gloc-9?
The song Liwanag was released in 2005, on the album “Ako Si”.
Who composed the song “Liwanag” by Gloc-9?
The song “Liwanag” by Gloc-9 was composed by Gloc-9, Francis M..

Most popular songs of Gloc-9

Other artists of Film score