Pangarap
[Intro: Gloc-9]
Yeah
[?]
Hoo
Gloc-9
May sasabihin lang ako
Yeah
[Verse: Gloc-9]
Ito'y isang awiting aking sinulat
Nang sa gayon kayo ay aking mamulat, uh
At makilala ang
Isang makata na
Mula sa Rizal ako ay isang bata na
Merong pinapangarap
Kay tagal kong hinanap
Kay tagal kong hinabol
Kay tagal kong nayakap
Ang aking pagkakataong marinig
Nalagay ang boses ko sa CD na bili ng
Libo-libong katao
Ang lahat ng tula ko
Letrang kinabisado
'Pag kakanta'y kabado
Palad na malamig
Medyo nanginginig
Hirap sa paghinga
Parang sumisikip
Ganyan palagi 'pag hawak ay mikropono
Isipin mo, 'yan ay totoo
Kahit ako'y isang makatang bihasa
Kaibigan isa lamang ang aking ginawa kaya
[Chorus: Raymund Marasigan]
Mangarap ka
Sayo'y magtiwala ka
Mangarap ka
Limutin ang sabi nila
Mangarap ka
Sige magtiwala ka
Mangarap ka
Bukas ay naroon ka na
[Verse: Gloc-9]
Binabayaran nga sa t'wing ako'y aawit ng tula
Pero bakit kulang, parang lumunok ka ng dura
Malalakas mangutya, makakapal ang mukha
Dinaanan ko na parang nagmumog ka ng tuba
Ubod ng pait kung minsan ay hindi ko masikmura
Dito ko pinagpalit ang pag-aaral teka muna yan ang sabi ko
Dahil gusto kong maging sikat
Usap-usapan parang makabagong alamat
Pero akala ng iba, ito ay madali
Pakinggan mo ako pare wag kang magmadali
Naranasan mo na bang sayo'y walang kumakamay
Kasama ka sa motorcade pero walang kumakaway
Para kang gago, mikropono'y laging dispalenghado
Tumatalon na CD, sira na entablado
'Di ka pinapansin kasi 'di ka pa kakanta
Pagkatapos mong umawit bibigyan ka ng barya
[Chorus: Raymund Marasigan]
Mangarap ka
Sayo'y magtiwala ka
Mangarap ka
Limutin ang sabi nila
Mangarap ka
Sige magtiwala ka
Mangarap ka
Bukas ay naroon ka na
[Verse: Gloc-9]
Labing isang taon
Ang sa akin ay lumipas
Ngayon ay masasabi kong
Matamis nga ang ubas
Hindi ako doktor, lalong hindi piloto
Pero dahil saking tula ay nasa eroplano
Salamat sa bato, bakal, kahoy sa dingding
Parangal para hangain, pangalan ay magningning
Pero sakin may isang batang lalaki at babae na nag-aabang
Kung meron akong maipapadede't maipapakain
Kanilang kinabukasan ay aking sisiguraduhin
Ang masagana'y aabutin
Bagamat ako'y isang kilalang nilalang
Minabuti kong ako ay mag-aral na lang
Tatapusin ko ang kurso na saki'y maghahatid ng tagumpay
Na parang meron akong bakal sa dibdib
Hindi tinatablan, isipin mo naman
Kahit sumikat man o malaos may masasandalan
Sinasabi nila ako ang pinakamagaling
Pinakamabilis, ang iba'y walang dating
Ibang klase kung sumulat, para kang kinakausap
Kung merong bubuhatin ako lang ang makakabuhat
Nagbabago ng tingin sa mga makatang Pinoy
'Pag madilim ay sumusulat ng letra nag-aapoy
Tatanggapin ko 'yan ng buong karangalan
Kung ako ang syang umawit ng "Mga Kababayan"
[Chorus: Raymund Marasigan]
Mangarap ka
Sayo'y magtiwala ka
Mangarap ka
Limutin ang sabi nila
Mangarap ka
Sige magtiwala ka
Mangarap ka
Bukas ay naroon ka na
[Raymund,Gloc-9]
Mangarap ka
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Mangarap ka
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Mangarap ka
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Mangarap ka
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas