Takip Silim

Gloc-9

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

Paggising sa umaga diretso sa banyo
Naligo nang maaga nilakasan ang radyo
Habang pinili ang paborito kong damit
Na ginamit ko nung tayo'y magkakilala (na ginamit ko)

Lumabas ng bahay tumingala sa langit
Kahit na tulala ay mahinang inaawit
Sa'king sarili ang himig na nadinig
Sa radyo nung tayo'y magkakilala (sa radyo)

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko nagawa
Noong ikaw ay akin pa

Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot
At ang laman ng hangin sa baga'y 'di aabot
Kahit nalaman ay 'di naman ako galit
Ibinaling ko sa dami ng naalala

Tanong ko sa aking sarili
Ano ang gagawin ko
Lahat ng tila imposible
Pagkakasyahin ko

Lalangoy sa dagat maliligo sa ulan
Maghahanap akong makahiya sa damuhan
Habang lumalakad ng nakapaa sa putikan
Ang oras ay ngayon walang tanong na kailan
Asintahin mga bituin pagmamasdan ng mabuti
Magbebenta ng mura 'di bale na kung malugi
'Wag kang magaalangan bawasan ang muni muni
Dapat 'di ka natatakot bahala na kung mahuli
Aking sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin
Lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin
Mailap na kasaguta'y aking hahanapin
Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin
Lumuhod sa Ama tumingala nang ang maling nagawa mabaliwala
Ang paalam ay isang malungkot sa salita
Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa
Kaya sabihin mong mahal mo s'ya
Bago mahuli ang lahat
Kalagan mo ang dilang kagat
Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat
At marinig mo ang tama't tapat
Dahil ang buhay natin ay hiram 'di alam kung kailan
O kung ga'no kaigsi ang panahong nakalaan
Buhay natin ay hiram 'yan ay dapat mong alam
Dahil ang kahapo'y 'di na natin pwedeng balikan

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sa'yo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
'Yan ay 'di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa
Noong ikaw ay akin pa

Trivia about the song Takip Silim by Gloc-9

When was the song “Takip Silim” released by Gloc-9?
The song Takip Silim was released in 2013, on the album “Liham At Lihim”.

Most popular songs of Gloc-9

Other artists of Film score