Tatlong Taon

[Intro, spoken]
1995

[Chorus]
Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensya ka na kasi nag-ipon pa 'ko
Bigay ko 'yan sa'yo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng isip at puso ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko
Lamang ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito

[Interlude]
1996

[Verse 1]
Bagong sapatos na Nike para kay Joey
Pandalagang pabango na ibinilin ni Corie
Robot na nagiging kotse sa bunso ko na pogi
Nakalimutan ko yung wallet ni Tita, teka sorry
Yung tsokolate at sabon na lamang, bawi ako
Sa susunod na bagahe, sana'y mapadala ko
Kung meron pa kayong gusto, sabihan niyo lang ako
Ibibigay ko palagi, basta't sumuweldo ako
Ang kumot na makapal para sa higaan ni Tatay
Malambot na mga tuwalya na para kay Nanay
May nakaipit na panyo, ingatan, pakialalay
Baka mahulog yung singsing at hikaw, sana bumagay
'Pag kapos kayo minsan ay puwede niyong isangla
'Di man ganun kalaki, puwede na rin, kesa wala
May mga larawan akong sinama sa bandang baba
Lagi akong nakatawa para 'di mahalata
Ang lungkot ko dito

[Chorus]
Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensya ka na kasi nag-ipon pa 'ko
Bigay ko 'yan sa'yo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng isip at puso ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko
Lamang ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito

[Interlude]
1997

[Verse 2]
Alam kong natagalan, 'kala ko hindi na nga
Darating, ang galing parang isang himala
Nasa tapat na ng pintuan ako'y ibinaba
Ngiti na 'di matatawarang kasabay ng tuwa
Agad na binuksan ang yupi-yupi kong kahon
Dali na bilisan, sinisigaw, pero bulong
'Di na 'ko makahinga sa dinami-dami nitong
Nilagay ng nagpadala na kung tawagin ay Long
Lahat ng kita, nilaan ang siyang matitira
Pa ay ipinambibili ng pasalubong nila
Mapagbigyan lang ang hiling ay nakakota na siya
Wala para sa sarili, ito ay sa kanila
Ganyan sila doon, tumataya ng luha at hirap
Ako ay kahong naglalaman ng sipag at sikap
Kalakip ng litrato ay may nakatuping sulat
Pinadala na niya lahat, dahil hindi na mumulat
Mga mata ni Long, pilit mang tinatanong
Maraming ganitong kwento, 'di to nagkataon
Parang patibong, kasi magpahanggang ngayon
May pasalubong o sinasalubong na kahon...

[Chorus]
Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensya ka na kasi nag-ipon pa 'ko
(1998)
Bigay ko 'yan sa'yo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng isip at puso ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko
Lamang ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito

[Outro]
Sana'y naibigan mo'ng pasalubong ko
Pasensya ka na

Trivia about the song Tatlong Taon by Gloc-9

When was the song “Tatlong Taon” released by Gloc-9?
The song Tatlong Taon was released in 2024, on the album “Sari-Sari Story”.

Most popular songs of Gloc-9

Other artists of Film score