Tunay

Aristotle Pollisco

Meron akong gustong itanong
Sagutin ng malakas ayoko ng pabulong

Kung palaliman din lang kuning mo yung malukong
Punuin natin ng mga salitang malutong

Alam kong ang mundo na nilalakaran natin ay
Nababalutan palupintan ng porma na pamatay

Pataasan ng sampay
di nyo kayang pumantay
Gano karaming ginto at singsing ang nakalagay

Sayong kamay at leeg ma
Layo mo na madedma
Palaging naka angkla si
Elsa lorna at edna

Nag mamahalang tsikot
Ang kanilang pinaparada
Di makita sa bintana kapag
Pinaarangkada na

Hanep
palakasan ng dating
Lahat nalang ay kalaban
Sa tuwing nalalasing

Hindi naman maninipis
Mga napaka praning
Bakit di nauubusan ng mga hinanaing

Hindi daw sya makasulat kapag hindi naka weed
Di naman nakakagulat halos di makatawid

Samakatuwid kung gusto mo na may masamid
Pag lumakad sa alambre dapat napaka tuwid

Sabi nga Ng tro
Pa ko na Si klumcee

Dapat makatas
Pataas Lang lagi

Ano mang di mo na
Abot ayBahagi

Balikan Mo nalang
Puwede pang Mabawi

Isang ama
Na nag hahanap ng pera para sa
Hapag kainan ng pamilya
Kahit malayo pa

Pansit na nakabalot na supot kanyang dala dala
Kahit na hindi sapat ay pag sasaluhan nila

Tapos gigising sa hating gabi
Upang timplahan ng
Gatas ang kanyang supling
Kahit ilang takal nalang

Bukas tuloy ang kanyang pakikipag sapalaran
Para sa kapakanan hindi mag papalamang

Pero lalaban ng patas
Dahil ang pinangaral
Sa kanyang mga anak
Ay ang kabutihan ng asal

Mabagal man ang pag usad
Kulang man ang pan tapal
Maaga lagi sa bungad
Sipag na walang angal

Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog
Busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to

Trivia about the song Tunay by Gloc-9

Who composed the song “Tunay” by Gloc-9?
The song “Tunay” by Gloc-9 was composed by Aristotle Pollisco.

Most popular songs of Gloc-9

Other artists of Film score