Kay Ganda Ng Ating Musika
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim damdami'y pag-ibig
Kung umapaw ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig (nanginginig)
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Bawat sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka't bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na't inyong dinggin (heto na)
Kay ganda ng ating musika (kay ganda)
Kay ganda ng ating musika (kay ganda)
Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
Magmula nung ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik (nagsasabing)
Kay ganda ng ating musika (kay ganda)
Kay ganda ng ating musika (kay ganda)
Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin
Kay ganda ng ating musika (ohwoh)
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin (kay ganda)
At sa habang buhay awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
Kay ganda ng ating musika