Tayong Dalawa

Buhay ko ngayon ay kay saya
Buhat nang makilala’t makasama ka
Ang mundo ko'y tumitigil
‘Pag nariyan ka bawat oras ay mahalaga

Hindi ko na maramdaman ang sakit
‘Di na muling babalikan ang nakaraang kay pait
At kung sakali man ako’y muling masaktan
Uunawain ko ang mga dahilan

Tunay nga kayang pag-ibig ang nadarama ko
Takot na akong masaktan pa mahal na nga kita

Sana’y di magbago ang tibok ng puso
Hindi ko kakayaning mawalay ka sa piling ko
Tayong dalawa ang ating musika
At pakatandaan nasaan ka man sa mundo
Puso’y nakalaan sa’yo

Magkahiwalay man ang landas
Ang pag-ibig ay tunay at wagas
Hahanapin lahat ay gagawin

Sana’y di magbago ang tibok ng puso
Hindi ko kakayaning mawalay ka sa piling ko
Tayong dalawa ang ating musika
At pakatandaan nasaan ka man sa mundo
Puso’y nakalaan sa’yo

Sana’y di magbago ang tibok ng puso
Hindi ko kakayaning mawalay ka sa piling ko
Tayong dalawa ang ating musika
At pakatandaan nasaan ka man sa mundo
Puso’y nakalaan sa’yo

Most popular songs of Ice Seguerra

Other artists of Pinoy pop