Beer

Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa

Nakatanim pa rin ang gumamelang
Binalik mo sakin
Nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko
Kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

Giliw wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
Nung iniwan mo ako

Kaya ngayon
Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko
Ang beer na to o ang pag-ibig mo

Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
Kahit tambucho
Kukuha ako ng beer at ipapakulo sa kaldero't
Lalanghapin ang usok nito
Lahat ay aking gagawin upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako

Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko
Ang beer na to o ang pag-ibig mo

Giliw wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala
Nung iniwan mo ako

Kaya ngayon
Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko
Ang beer na to
Ang beer na to
Ang beer na to o ang pag-ibig mo

Trivia about the song Beer by Itchyworms

When was the song “Beer” released by Itchyworms?
The song Beer was released in 2005, on the album “Noon Time Show”.

Most popular songs of Itchyworms

Other artists of Pop rock