Gabi ng Lagim

Gerard Ervin Baldo, Vincent Baldo

Namiesta kami sa isang bayan
Sa bayan ng aming kaibigan
Na magdadala pala ng kapahamakan
Pagkat ang bayan nya'y bayan ng aswang
Buhay na tao ang kinakain
Tao na katulad natin
Taong nag mamakaawa
Sumisigaw at nagwawala

Sya pala ay pain
Upang kami ay hulihin at dakpin
Upang kami ay pag pyestahan
Kakainin ang aming mga laman
Malamig ang simoy ng hangin
Kalat ang dugo, wasak ang bungo
Halakhak ng aswang, oh kaligayahan
Gabi ng lagim, naulit na naman

Sa piling ng aswang
Sila'y nagdiriwang
Saksi ang buwan
Nang kanilang kaligayahan
Gabi ng lagim
Nang kanilang simulan
Gabi ng lagim
Aming katapusan

Most popular songs of Jack Hammer

Other artists of Rock'n'roll