Kasinungalingan

Freddie A. Saturno

Kasinungalingan kapag sinabi kong
'Di na ikaw ang narito ngayon sa puso ko
Nagkukunwari at dinadaya
Nililibang ang sarili dahil ika'y wala

Kasinungalingang sabihin kong 'di ka na mahal
Ang paghihirap ko ngayo'y aking nararanasan
Kahit itago pa tiyak iyong malalaman
Kasinungalingang 'di ka mahal

Kasinungalingan kung itatanggi
Hinahanap pa rin kita dito sa 'king tabi
Sa bawat gabi 'di maikukubli
Sarili'y 'di mapalagay hindi mapakali

Kasinungalingang sabihin kong 'di ka na mahal
Ang paghihirap ko ngayo'y aking nararanasan
Kahit itago pa tiyak iyong malalaman
Kasinungalingang 'di ka mahal

Kasinungalingang sabihin kong 'di ka na mahal
Ang paghihirap ko ngayo'y aking nararanasan
Kahit itago pa tiyak iyong malalaman
Kasinungalingang 'di ka mahal
Kasinungalingang

Trivia about the song Kasinungalingan by Janno Gibbs

When was the song “Kasinungalingan” released by Janno Gibbs?
The song Kasinungalingan was released in 2004, on the album “Seven”.
Who composed the song “Kasinungalingan” by Janno Gibbs?
The song “Kasinungalingan” by Janno Gibbs was composed by Freddie A. Saturno.

Most popular songs of Janno Gibbs

Other artists of Contemporary R&B