Alas Kwatro

JOHN AARON ALEJANDRO OBRA

Baka hanggang dito na lang tayo talaga
Ang puso natin ay hindi para sa isa't isa
Nanghihina kumakapit pa
Ang pusong pagod na umibig

Isigaw man ang pangalan mo
Sungkitin man ang buwan para sa'yo
Ngunit 'di na ako ang hanap ng puso mo

Malimit kang ngumiti ngayon
Nakalimutan na nga ba
Ang tamis ng mga labi (ng mga labi)
Umaasang babalik ka
Pagbigyan mo ang pusong
Ikaw lang ang hinahanap
'Di paparaya

Baka hanggang dito na lang tayo talaga
Ang puso natin ay hindi para sa isa't isa
Nanghihina kumakapit pa
Ang pusong pagod na umibig

Isigaw man ang pangalan mo
Sungkitin man ang buwan para sa iyo
Ngunit 'di na ako ang hanap ng puso mo

Oh oh
Oh oh
Oh oh
Oh oh

Hindi mo ba naisipan na
Lahat ay pulutin at ipilit nating buuin
Huwag kang maglihim
Umaasang babalik ka
Pagbigyan mo ang pusong
Ikaw lang ang hinahanap
'Di paparaya

Baka hanggang dito na lang tayo talaga
Ang puso natin ay hindi para sa isa't isa
Nanghihina kumakapit pa
Ang pusong pagod na umibig

Isigaw man ang pangalan mo
Sungkitin man ang buwan para sa iyo
Ngunit 'di na ako hindi na ako
'Di na ako ang mahal mo

Trivia about the song Alas Kwatro by Jão

Who composed the song “Alas Kwatro” by Jão?
The song “Alas Kwatro” by Jão was composed by JOHN AARON ALEJANDRO OBRA.

Most popular songs of Jão

Other artists of Pop