Tahan Na
Hinga lang nang malalim
Kumapit lang sa akin
At huwag mo nang isipin
Ang sabi nila
Mga luhang pinipigil
Ibuhos lang sa akin
Ako'y mananatili
Sa iyong tabi
Tumingin lang sa 'king mga mata
Tahan na mahal ko
Di na magbabago
Ang pag-ibig sa'yo
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Hindi lahat ng nasugatan
Mali ang pinaglaban
Ako man ay nahirapan
Para sa'yo
Gagawin lahat ng kaya
Para lang mapatunayan ko
Na ika'y ipaglalaban
Pangako sa'yo
O hawakan aking mga kamay
Tahan na mahal ko
Di na magbabago
Ang pag-ibig sa'yo
Tahan na mahal ko
Di na maglalaho
Ang pangako sa'yo
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako