Ikaw Na Nga

Ikaw ikaw na nga sinta
Wala na ngang iba akong hahanapin
Lahat sa'yo ay maganda

Ikaw ikaw na nga sana
Pangarap ko'y wala ng iba
Kung di ang makasama ka
Makapiling ka sa habang panahon

Kahit na lumuha pa
Hindi ako magsasawa basta kasama ka
Magtitiis ako kahit na mahirapan pa
Ito'y asahan mo pangako ko

Ikaw ikaw ang buhay ko
Lahat ng ito'y para sa'yo
Ano man ang kailangan mo
Sabihin mo at pipilitin kong maibigay sa'yo

Kung kinakailangan mo pati ang buhay ko
Ito'y handa kong ilaan para lamang sa'yo
Pinapangako ko ito'y asahan mo

Mahal ko ay ikaw
Oo ikaw na nga
Wala na ngang iba
Wala na ‘kong ibang hahanapin pa
Oo ikaw
Ikaw na nga sinta
Sana'y ikaw

Kung kinakailangan mo pati ang buhay ko
Ito'y handa kong ilaan para lamang sa'yo
Pinapangako ko ito'y asahan mo

Mahal ko ay ikaw
Oo ikaw na nga
Wala na ngang iba
Wala na ‘kong ibang hahanapin pa
Oo ikaw
Ikaw na nga sinta

Oh ikaw
Oo ikaw na nga
Wala na ngang iba
Wala na ‘kong ibang hahanapin pa
Oo ikaw
Ikaw na nga sinta
Sana'y ikaw

Most popular songs of Jay-r Siaboc

Other artists of Pinoy pop