Regalo Sa Pasko
Di ko kailangan ang mamahaling regalo
Basta't sa araw ng pasko ika'y kapiling ko
Kay tagal na rin tayong hindi nagkikita
Pakiusap ko sayo sana'y umuwi ka na
Ang mahalaga'y ikaw wala na ngang iba
Pasko ay laging kulang kasi wala ka pa
Merry christmas sayo merry christmas sa inyo
Diba't kay saya ng sandali kapag sya ay kapiling mo
Kaya sa araw ng pasko ika'y naririto
Sa akin ay ikaw ang pinakamagandang regalo
Nasasabik akong muli ay mayakap ka (muli ay mayakap ka)
At sana sa simbang gabi ay makasama ka
Ilang pasko na ring nasa malayo ka
Alam mo bang lagi hinahanap kita (lagi)
Ang mahalaga'y ikaw wala na ngang iba (wala na ngang iba)
Pasko ay laging kulang kasi wala ka pa
Merry christmas sayo merry christmas sa inyo (merry christmas merry christmas)
Diba't kay saya ng sandali kapag sya ay kapiling mo
Kaya sa araw ng pasko ika'y naririto (araw ng pasko)
Sa akin ay ikaw ang pinakamagandang regalo
Ang mga tawag mo'y aking inaabangan
Upang kahit sandali lungkot sa puso ko'y mawala naman
Oh
Merry christmas sayo merry christmas sa inyo (merry christmas merry christmas)
Diba't kay saya ng sandali kapag sya ay kapiling mo
Kaya sa araw ng pasko ika'y naririto (araw ng pasko)
Sa akin ay ikaw ang pinakamagandang regalo (sa akin ay ikaw oh)
Merry merry christmas