Gaya Ng Dati [Album : Honestly]

Al Termulo

Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Nasan na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas

Di ba't noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa oh

Dati-rati
Mga pangako mo'y panindigan mo't lakas sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon sa kaibigan mo'y ako'y bukang bibig bakit ngayo'y anong lamig
'Di mo alam ako'y nasasaktan sa 'di pag pansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay naghihintay oh

Ako'y naghihintay
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Di ba't noon
Ang sabi mo'y walang hanggang
Di mo alam ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Panginoon
Ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin mo
Mula ngayon ang buhay kong ito'y
Iaalay sa iyo gamitin mo ako

Gaya ng dati
Hmm
Gaya ng dati

Trivia about the song Gaya Ng Dati [Album : Honestly] by Jaya

When was the song “Gaya Ng Dati [Album : Honestly]” released by Jaya?
The song Gaya Ng Dati [Album : Honestly] was released in 1999, on the album “Honesty”.
Who composed the song “Gaya Ng Dati [Album : Honestly]” by Jaya?
The song “Gaya Ng Dati [Album : Honestly]” by Jaya was composed by Al Termulo.

Most popular songs of Jaya

Other artists of Electro pop