Paano Kung Naging Tayo?

Umaamin
Ang puso ko at damdamin
Sa pagtinging nililihim
Para sa'yo
Nagsisisi
Bakit di ko nasabi
Sa dinami-dami
Ng pagkakataon

Paano kung naging tayo
Paano kung ako'y inibig mo
Paano kung naging tayo
Di na sana nagkakaganto

Kung ika'y akin
May kantang aawitin
Malapit sa'ting damdamin
Para sa'ting dalawa
Umaasa
Sana'y meron pang pag-asa
Na tayo ay magsasama
Kahit sandali

Paano kung naging tayo
Paano kung ako'y inibig mo
Paano kung naging tayo
Di na sana nagkakaganto

Sa bawat sandali
Naaalala ka (naaalala ka)
Sana'y mag bago pa
Ang tadhana (ang tadhana)
Sa bawat araw na
Di ka makapiling
Lagi kong naiisip

Paano kung naging tayo
Paano kung ako'y inibig mo
Paano kung naging tayo
Di na sana nagkakaganto

Paano kung naging tayo
Paano kung ako'y inibig mo
Paano kung naging tayo
Di na sana nagkakaganto

Most popular songs of JAYDA

Other artists of Pinoy pop