Ikaw Na Lang Ang Kulang

Di naman ako naghahanap ng tulad mo
Na dumating sa buhay ko
At guluhin ang isip ko
Pero parang may himig
Na naririnig mula sa aking puso

At sa isang saglit ako'y napapikit
At parang nabuo sa isang iglap
Ang buhay ko
Ikaw na lang pala ang kulang sa buhay ko

Pag-ibig nga ba ang nadarama
Dahil hindi makatulog
Kapag ikaw ang naaalala
Laging natatanga tuwing makikita ka
At para ngang lahat ng bagay ay gumaganda
Kapag kasama ka nabubuo ang buhay ko

Di lang ba ako sanay
O sadya bang walang malay
Kung sayo'y nahuhulog o di kaya'y nauusog
Dahil sa tuwing pumipikit ikaw parin ang nakikita ko

At sa isang saglit akoy napapikit
At parang nabuo sa isang iglap ang buhay ko
Ikaw na lang pala ang kulang sa buhay ko

Pag-ibig nga ba ang nadarama
Dahil hindi makatulog pag ikaw ang naalala
Laging natatanga tuwing makikita ka
At para bang lahat ng bagay ay gumaganda
Kapag kasama ka nabubuo ang buhay ko

Pag-ibig nga ba ang nadarama
Dahil hindi makatulog
Pag ikaw ang naaalala
Laging natatanga tuwing makikita ka
At para ngang lahat ng bagay ay gumaganda
Kapag kasama ka nabubuo ang buhay ko

Trivia about the song Ikaw Na Lang Ang Kulang by Jed Madela

When was the song “Ikaw Na Lang Ang Kulang” released by Jed Madela?
The song Ikaw Na Lang Ang Kulang was released in 2011, on the album “Breathe Again”.

Most popular songs of Jed Madela

Other artists of Asiatic music