Sa Aking Panaginip
Di ko na kailangan pang ulit- ulitin na
Ikaw ang laging naroon sa puso't isip ko
Sa bawat sandali naaalala ka
At di magagawang limutin ang katulad mo
Pagkat sayo natutong magmahal
Ang puso ko na ang pintig ay bakit nga ba laging ikaw
Sa aking panaginip hindi ka nawawaglit
Kahit kailan pagmamahal para sayo'y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sayo may sikat at makulay ang aking mundo
Kung mawawalay sayo ay di ko nais pang
Mabuhay nang tuluyan at laging nag-iisa
Mayrong hinihiling ang puso't damdamin
Sa bawat sandali sana'y laging kapiling ka
Pagkat sayo natutong magmahal
Ang puso ko na ang pintig ay bakit nga ba laging ikaw
Sa aking panaginip hindi ka nawawaglit
Kahit kailan pagmamahal para sayo'y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sayo may sikat at makulay ang aking mundo
Sa aking panaginip hindi ka nawawaglit
Kahit kailan pagmamahal para sayo'y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sayo may sikat at makulay ang aking mundo oh