Iisang Tao

Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya
Tayong lahat ay iisa kahit magkakaiba
Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya
Tayong lahat ay iisa kahit magkakaiba

Aking nakikita ay di mo nakikita
Aking naririnig ay tahimik sa iyong tenga
Aking nadarama ay di mo nararamdaman
Bakit ganyan bakit ganyan

Bakit manhid tayo sa kahirapan ng iba
Di ba't tayong lahat ay galing sa isang bunga
Pinagmulan natin lahat ay iisa lamang
Bakit ganyan walang pakialam bakit ganyan

Oh katotohanan di na natin maalala
Oh ating nalimutan

Bakit mas madali maging tulog kaysa gising
Maging bulag manhid sa halip na makialam
Sa dami ng problema nating sangkatauhan
Bakit ganyan dapat makialam makialam

Oh katotohanang di na natin maalala
Oh ating nalimutan

Unti-unti
Nasisira
Ang ating mundo
Dahil sa
Kaswapangan
Ng mga tao
Kailangan natin makita
Na may hangganan to
Kapag wala na ang mundo
Wala na rin tayo

Ba't di natin pilitin na matutunan kung paano
Matuwa' at magalak kahit d tayo ang panalo
Hatakan ng hatakan pagod ang ating mga braso
Silipan ang dumihan na mas masahol pa sa aso
O hayop na to palaboy-laboy sa lansangan
Pagturo ng puik sa mukha ng kapwa ay iwasan
Malasakait at respeto sa iba ay wag mabawasan
Tayo lang ang kadalasan ay siya lang maaatasan di ba

Unti-unti natin sinisirang ating mundo
Sa kahahabol ng kasiyahan ng bawat tao
Makakamit lamang ito kapag maintindihan
Na pag-ibig ang kailangan ng bawat nilalang

Oh hanapin ang mabuti sa isa't isa
Oh hindi naman tayo tunay na nagkakaiba
Oh tanggapin na natin ang katotohanan
Ako ikaw tayo ay i-isang tao lamang

Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya (iisa lang)
Tayong lahat ay iisa kahit magkakaiba (ikaw at ako)
Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya (iisa lang)
Tayong lahat ay iisa kahit magkakaiba (ikaw at ako)
Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya (iisa lang)
Tayong lahat ay iisa kahit magkakaiba (ikaw at ako)
Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya (iisa lang ang buong mundo)

Ako ikaw tayo
Iisang tao lamang

Most popular songs of Jim Paredes

Other artists of Pinoy pop