Balang Araw Minette

JIMMY BONDOC

Kahit tulog ka na Minette
Nakangiti ka pang nakahiga't nakapikit
Naglalaro ba'ng isip mo
Kasama ng mga anino
Nawala sa malay mo na ang masayang araw kanina'y tapos na
Tapos na'ng araw nating masaya

Kaming lahat ay gising pa
Lumuluha kaming nakadilat nagtataka
Tahimik na si papa
Naiiyak si mama
Nawala sa malay namin na Minette ika'y lumalaki na nga
Minette ika'y lumalaki na nga

Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong gawa sa buhangin

Paggising mo sa umaga
Wag kang magsusumpong
Dahil Minette mahal kita
Yakapin mo si mama
Kumalong ka kay papa
Inumin mo ang pag-ibig na ang Panginoon ang nagtimpla
Minette minamahal kang talaga

Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong gawa sa buhangin

Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng iyong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong ang pugad mong
Ang pugad mo ay sa puso namin

Most popular songs of Jimmy Bondoc

Other artists of Pinoy pop