Gumamela

JOHN JIREH LIM

Pag-ibig na wagas ang alay ko sa 'yo
Ang ganda ng umaga 'pag ika'y kapiling ko
Ikaw lamang ang batas wala nang bakit-bakit ba
'Pag may pinagawa ka 'yon lang ang gagawin ko

Para 'di ka madapa ay aalalayan ka
Ang pinto ay 'di mo na kailangan pang hawakan
Pagbubuksan kita para 'di ka mahirapan
Gano'n lang talaga ako 'pag nagmamahal

Hatid ko ang umaga tanghali gabi sa iyo

Mahal kita hindi ito bola
Wala na akong mahihiling pa sa langit
'Pag nag-iisa ka at wala kang kasama
Alam mo naman na isang tawag mo lang
Ako ay darating na may dalang gumamela
Kahit na malayo ka hindi hahadlang makita lamang kita

Pinangarap lang kita ngayon ay nandito ka
'Di makapaniwalang may magbabago ng umaga
Mula no'ng makilala ka 'di na magawang
Tumingin sa kanila ikaw ang kakaiba

Hatid ko ang umaga tanghali gabi sa iyo

Mahal kita hindi ito bola
Wala na akong mahihiling pa sa langit
Pag nag-iisa ka at wala kang kasama
Alam mo naman na isang tawag mo lang
Ako ay darating na may dalang gumamela
Kahit na malayo ka hindi hahadlang makita lamang kita

Mahal kita hindi ito bola
Wala na akong mahihiling pa sa langit
'Pag nag-iisa ka at wala kang kasama
Alam mo naman na isang tawag mo lang
Ako ay darating na may dalang gumamela
Kahit na malayo ka hindi hahadlang makita lamang kita

Most popular songs of Jireh Lim

Other artists of Film score