Pagsuko [Live]
Maari ba muna natin 'tong pagusapan
Sa dami-rami na ang ating pinag daanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinag samahan
Masikip sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas pinang hihinaan ng wagas
Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na
Susuko ka na
Bawat pangarap na ating pinagusapan
Pupunta na lang ba ito sa wala
Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali
Sa mga oras na to alam kong ika'y lito
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na
Susuko ka na
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila'y napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na