Lason

Nilason nahilo hinuli bagsak palengke
Binenta naibenta tinimbang ibinalot inuwi
Iniluto inihain sinubo pinapak chinibog (chinibog)
Isdang hilo taong hilo
Ang lason sa pagkain lalason sa kumain
Isdang hilo taong hilo
Ang lason sa hinuli mo ay lalason rin sayo

Pag luma i-embalsama maputla edi kulayan pa
Pinasabog at nadurog huwag ka lang magpapahalata
Nang maluto nang mahain maisubo mapapak machibog (chibog)
Isdang hilo taong hilo
Ang lason sa pagkain lalason sa kumain
Isdang hilo taong hilo
Ang lason sa hinuli mo lalason rin sayong pag-iisip
Ba't ka nagkaganyan
Tanda ng desperado ang di tamang paraan
Itigil mo na iyang panlilinlang
Lason sa inani mo'y lason ng bayan

Isdang hilo taong hilo
Ang lason sa pagkain lalason sa kumain
Isdang hilo taong hilo
Ang lason sa hinuli mo ay lalason rin sayo
Ang lason sa hinuli mo ay lalason rin sayo
Ang lason sa hinuli mo ay lalason rin sayo

Most popular songs of Joey Ayala

Other artists of Neofolk