Padayon

Isang basong tubig galing sa poso
Inutang na kanin
At malamig na ginamos
Kaunting asin sa plastic na platito
Busog na bay
Pwede nang magtrabaho

Sa aking balikat ay papasanin
Tatlong daang kilo ng asukal
Limang daang sako ng denorado
Sanlibong kaha ng delata
Sampung tonelada ng harina

Pasyal muna pare bisitahin nyo yun bahay ko

Kalawanging bubong
Pader na may butas
Posteng pilay
At sahig na paduyan duyan
Itong aking palasyo'y
Pagkatibay-tibay
Pero pwede na pre
Tuloy ang hanapbuhay

Ngayong araw ay tatapusin ko
Isang subdibisyon limampung hektarya
Tatlong dosenang mansyon na magara
Higanteng gusaling likha sa semento
Kilo-kilometro ng kalsada hala sige
Banatan mo pre

Oh kay tamis ng buhay
Oh kay daling umasenso
Hangarin koy makatikim ng kaunting hayahay
Subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay
Pagkat walang ibang makagagawa nito

Paandarin ang makinarya
Bigyan ng buhay ang industriya
Patakbuhin ang ekonomiya
Padayunon ang pagpangita

Padayon
Padayon
Padayon
Padayon

Most popular songs of Joey Ayala

Other artists of Neofolk