Panganay Ng Umaga [Live]

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Mga burol at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo

Lawa ilog dagat
Lamig tamis alat
Ulan agos alon
Haplos sa pisingi ng panahon

Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi hey

Ako'y tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat taga-bilang
Munting butil ng sanlibutan

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Trivia about the song Panganay Ng Umaga [Live] by Joey Ayala

When was the song “Panganay Ng Umaga [Live]” released by Joey Ayala?
The song Panganay Ng Umaga [Live] was released in 1991, on the album “Panganay Ng Umaga”.

Most popular songs of Joey Ayala

Other artists of Neofolk