T'wing Kasama Kita
May mga araw
Na parang kay bilis
Mga oras tila ba kay dali
Parang kulang di maintindihan
Ang sayang aking nararamdaman
Parang ibon ako’y lumilipad
At sa ulap ako ay napadpad
Yumayakap ang hanging kay lamig
Kay sarap naman ng pakiramdam
T’wing kasama
Ang pinakamamahal
Gumagala
Ang puso’t isipan
Hanggang langit
Na ang aking tuwa
Yan ang nadarama
T’wing kasama kita
T’wing kasama kita
Di ko kaya na kahit sandali
Ang mawalay sa iyong tabi
Ang lumisan pagka’t natagpuan
Ang pag-ibig mo na aking buhay
At asahang ‘di pakakawalan