Pagtingin

John Patrick Caoile, Kyle Caplis, Kevin “Since 1999” Dela Peña

Hoh hoh…
Ohh hoh…

Kung gusto mong may katabi ka
‘Pag giniginaw pwede naman ako
At ‘pag nalulungkot ka mag-isa
Handa akong maging payaso mo

Pwede rin na salbabida
Sa nakakalunod na mundong ito
Akin lang ipapakita ganda ng paligid
Diyan sa piling mo

Pero sana nga gusto mo din
Ang lahat ng ito ay ating gagawin
Nang magkasama walang palalampasin
Ang mga problema’y
‘Di na dadalhin sa mga lakad
Sana ‘di na ‘to hiling sa mga nagdaang bituin
Sapagkat naubos na ang tagli-limang pisong
Hinulog sa balong madilim

Palihim mo din kaya akong pinagmamasdan
Ayaw mo din ba na humantong ang lahat sa kawalan
Sasagutin kaya ang tanong na aking nilaan
Mapapalalim pa ba ‘tong ating pagsasamahan, oh

Kaya’t sabihin mo sa ‘kin
Kung gano’n din ang pagtingin
Halika ‘wag nang sayangin
Ang nalalabing panahon natin

Kaya’t sabihin mo sa ‘kin
Kung gano’n din ang pagtingin
Halika ‘wag nang sayangin
Ang nalalabing panahon natin

Pa’no nga ba sasabihin
Tinatago kong damdamin
Ikaw ang dahilan kung bakit
Tibok ng puso’y mabilis palagi
Naiilang, konti na lang
Masasambit ko na
Mga mata’y nagkatitigan
Oh ba’t ako nahihibang

Ito ay totoo kahit ‘di mo ‘ko gusto
Umaasa pa rin ako na umikot ang mundo

Kaya’t sabihin mo sa ‘kin
Kung gano’n din ang pagtingin
Halika ‘wag nang sayangin
Ang nalalabing panahon natin

Kaya’t sabihin mo sa ‘kin
Kung gano’n din ang pagtingin
Halika ‘wag nang sayangin
Ang nalalabing panahon natin

Kaya’t sabihin mo sa ‘kin
Kung gano’n din ang pagtingin
Halika ‘wag nang sayangin
Ang nalalabing panahon natin

Trivia about the song Pagtingin by Juan Caoile

Who composed the song “Pagtingin” by Juan Caoile?
The song “Pagtingin” by Juan Caoile was composed by John Patrick Caoile, Kyle Caplis, Kevin “Since 1999” Dela Peña.

Most popular songs of Juan Caoile

Other artists of Asiatic music