Dahil Sa 'Yo

Di ko inakalang darating ka sa buhay ko
At magbibigay saya sa natutulog kong mundo
Di ko inakalang mabibigyan mo ako ng inspirasyon

Para harapin ang bawat araw
Panalangin ko sa mga bitwin
Wag kang lalayo sa akin
Harapin natin ang lungkot at saya

Dahil sayo natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sayo sumasaya ang mga araw ko
Dahil sayo may kaibigan ako na totoo
Dahil sayo natutong mag mahal ang puso ko

Minsan may mga bagay na mahirap intindihin
May mga tanong na kailangan sagutin
Lahat ng 'yun hindi mo ipinagkait sa'kin
Panalangin ko sa mga bitwin
Wag kang lalayo sa akin
Harapin natin ang lungkot at saya

Dahil sayo natutong mag bigkas ang labi ko
Dahil sayo sumasaya ang mga araw ko
Dahil sayo may kaibigan ako na totoo
Dahil sayo natutong mag mahal ang puso ko

Darating man ang araw na kailangan kong bumalik
Sa aking mundo
Isipin mong may kaibigan kang
Nagmamahal sayo

Dahil sayo natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sayo sumasaya ang mga araw ko
Dahil sayo may kaibigan ako na totoo
Dahil sayo natutong magmahal ang puso ko

Trivia about the song Dahil Sa 'Yo by Juris

When was the song “Dahil Sa 'Yo” released by Juris?
The song Dahil Sa 'Yo was released in 2013, on the album “Dreaming Of You”.

Most popular songs of Juris

Other artists of Middle of the Road (MOR)