Kahit Di Mo Sabihin

Kahit di mo sabihin
Aking napapansin
Di na kita pipilitin
Dahil di mo naman aaminin
Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo'y nagbago
Di ko alam bakit nagkaganito

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa oh

Kahit di mo sabihin
Damang-dama pa rin
Wala na ang kislap ng yong mata
Tuwing ikaw ay kasama
Wala na ang dating saya
Yakap mo'y kaylamig na
Dating sigla sana'y mag balik pa

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Paano na
Pagkat hindi ko kaya
Ayaw ko ng masaktan
Paanong pipigilang nararamdaman

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa
Paano na
Di ko kayang mag-isa

Trivia about the song Kahit Di Mo Sabihin by Juris

When was the song “Kahit Di Mo Sabihin” released by Juris?
The song Kahit Di Mo Sabihin was released in 2011, on the album “Forevermore”.

Most popular songs of Juris

Other artists of Middle of the Road (MOR)