Sana Kahit Minsan [Pop Punk]
Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malambing mong tinig
Na sa aki'y aliw at tila ba ito’y hulog pa ng langit
Pag nakita ka nay ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay tila ba tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong kita'y mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo
Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Minsa'y hinahagkan yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay tila ba tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman kong kita'y mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sayo
Hanap ng puso ay laging ikaw
At tanging nais ko ang yong pagmamahal
Sana'y sabihin mahal mo rin ako
Ikaw ang nais ng damdamin ko
Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ang totoo
Huwag iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sayo'y tunay
Sa yo'y tunay
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan