Tamis [Alternative Rock]

Nahuli na ang kiliti
Dating kaba naging kileg
Hawakan ang dibdib
Pigilan ang pusong nanggigigil (nanggigigil)
Nanggigigil

Hindi na nga kailangang galingan
Basta’t may unawaan
Wala nang palaisipan
Oh kay tamis ng katotohanan

Sabay-sabay nabubuo (sabay-sabay nabubuo)
Mga pangarap ko para sa’yo
Ituloy-tuloy lang natin to
Kahit san man patungo sasama ako

Di inakalang magkaganto
Kinulayan mo ang buhay ko
Kung dati hanggang tingin (kung dati ay hanggang tingin)
Ngayon ako’y busog sayong pansin

Sabay-sabay nabubuo (sabay-sabay nabubuo)
Mga pangarap ko para sa’yo
Ituloy-tuloy lang natin to (kahit san ka pa)
Kahit san man patungo sasama sayo

Sabay-sabay nabubuo
Mga pangarap ko para sa’yo
Sabay-sabay nabubuo (sabay-sabay nabubuo)
Mga pangarap ko para sa’yo
Ituloy-tuloy lang natin to (kahit san ka pa)
Kahit san man patungo sasama sayo

Most popular songs of Kamikazee

Other artists of Hard rock