Uno [Acoustic]

Oh upod na ang tsinelas at tila ba parang pasan mo ang buong daigdig
Kay rami ng napagdaanan tanaw mo na pero bakit gano'n ang hirap marating

Pagpagin ang galos at dumi wala lang 'yan bumangon kang muli
Ilang ulit mang magkamali balang araw magwawagi
At darating din ang sandali balang araw magwawagi

Oh mapaglarong tadhana ilang ulit nang nasugatan may lalalim pa ba
Kumapit ka at maniwalang walang iba kundi ikaw sariling sasagip (kumapit ka)

Pagpagin ang galos at dumi wala lang 'yan bumangon kang muli
Ilang ulit mang magkamali balang araw magwawagi
At darating din ang sandali balang araw magwawagi

Wala namang nagsasabi na ang buhay ay kay dali
Ilang ulit mang magkamali balang araw magwawagi
Ilang ulit mang magkamali balang araw magwawagi
At darating din ang sandali balang araw magwawagi

Most popular songs of Kamikazee

Other artists of Hard rock