Sa'yo Na Lang Ako
Narinig mo ba ang puso ko
Ang pagtibok ay di ordinaryo
Kung alam mo lang ang tunay na pakiramdam
Di sana'y nagsimula na ang istorya
Pero di hindi mo alam ang nasa isip ko
Ayaw ko naman tuluyan kang ilito
Dapat na bang ipaalam ito
Ang tunay kong pagtingin sayo
Kung pwede lang naman
Kung pwede lang pag-bigyan
Pag-ibig ko sayo di papatalo
Kung ok lang naman
Pwede bang ikaw na lang
Ang bubuo sa buhay kong ito
Kung pwede lang ako na lang sayo
Di ko maintindihan o bakit ganyan
Ang pag-ibig ko sayo ay sadyang di nagbago
Kung sana lang alam mo
Pero di hindi ko alam kung paano sasabihin sayo
Baka naman tuluyan kang lumayo
Sana nama'y paniwalaan mo
Ito ay pagtinging totoo
Kung pwede lang naman
Kung pwede lang pag-bigyan
Pag-ibig ko sayo di papatalo
Kung ok lang naman
Pwede bang ikaw na lang
Ang bubuo sa buhay kong ito
Kung pwede lang ako na lang sayo
Ipilit ko man
Paikutin ang buwan
Kung puso mo'y di kumibo
Ba't ko pa susundan
Isipin mo na lang may isang nagmamahal sayo
At ito'y ako
Kung pwede lang naman
Kung pwede lang pag-bigyan
Pag-ibig ko sayo di papatalo
Kung ok lang naman
Pwede bang ikaw na lang
Ang bubuo sa buhay kong ito
Kung pwede lang sayo na lang ako