Huwag Kang Mangako
Huwag kang mangako
Nang pag-ibig na walang hanggan
Huwag kang mangako
Sa aking pusong ilang ulit nang nasaktan
Kahit matindi ang isang damdamin
Nagbabago rin
Tumitibok ngayon
Bukas kaya damdamin ay ganun pa rin
Sapat na sakin
Ang minsan mong sabihin na ako'y iyong mahal
Kung sadyang tayo
Ang pagsuyo ay kusang magtatagal
Kahit matindi ang isang damdamin
Nagbabago rin
Tumitibok ngayon
Bukas kaya damdamin ay ganun pa rin
Sapat na sakin
Ang minsan mong sabihin na ako'y iyong mahal
Kung sadyang tayo
Ang pagsuyo ay kusang magtatagal
Sapat na sakin
Ang minsan mong sabihin na ako'y iyong mahal
Kung sadyang tayo
Ang pagsuyo ay kusang magtatagal