Monumento

Ikaw ang sumisindi sa aking napupunding pangarap
Lalong tumitindi ang apoy ng pagsisikap
Ako ang pinipinta larawang sinisintang hangarin
'Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin

Hulog ka ba ng langit
Tila anghel ka na walang kasing bait
Palaisipan kung bakit
Datapwat subalit
Mahiwaga nga ang pag-ibig (oh)

Konting bato konting semento
'Di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa'yo
At parang santo sa kumbento
Bidang star sa kuwento
Idol ka taas kamay ako sa'yo
Ikaw ang dakila syento porsyento (ikaw ang)
Hayaan mo't ipagtatayo kita (hayaan mo't ipagtatayo kita)
Ng monumento

Mento mento mento
Mo-monumento
Mento mento mento

Sa dami ko nang sablay at dami nang pasaway na banat
Ang dapat sa akin ay
Sa presinto na lang magpaliwanag
Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang
'Di ka nababanas pangiti-ngiti ka lamang

Parang nananaginip
Ayaw gumising na sa pagkakaidlip
Sobrang napapaisip
Dedma sa bad trip
Ibang klase nga ang pag-ibig

Konting bato konting semento
'Di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa'yo
At parang santo sa kumbento
Bidang star sa kuwento
Idol ka taas kamay ako sa'yo
Ikaw ang dakila syento porsyento (ikaw ang)
Hayaan mo't ipagtatayo kita (hayaan mo't ipagtatayo kita)
Ng monumento

Sa bawat sulok kanto at rotonda
Ibabantayog walang kokontra

Konting bato konting semento
'Di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa'yo
At parang santo sa kumbento
Bidang star sa kuwento
Idol ka taas kamay ako sa'yo
Ikaw ang dakila syento porsyento (ikaw ang)
Hayaan mo't ipagtatayo kita (hayaan mo't ipagtatayo kita)

Sa edsa caloocan o luneta
Kahit saan ipagtatayo kita
Ng monumento
Mento mento mento
Mo-monumento
Mento mento mento

Most popular songs of Kyla

Other artists of Pop