Sampaguita

Sampaguitang walang kapares
Ang bango mo'y kaakit-akit
Saksi ka ng mga pusong
Nagsusumpaan sa pag-ibig

At ngayon ko naaalala
Ang kahapon anong ligaya
Ikaw ang bulaklak
Na naging kuwintas kong
Galing sa aking sinta

Buhat noon ang kuwintas ng aking puso
Ay patak ng luha sa pagkasiphayo
Ang irog ko'y hindi tapat sa pangako
Ang tunay na sumpaang
Ikaw ang saksi'y naging biro

Habang nag-iisa sinasariwa sa alaala
Ang sampaguita ng pagsinta
Sa puso ko'y di na malalanta

Most popular songs of Lea Salonga

Other artists of Pop