Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan

Antonio Maiquez, A. Torres, Levi Celerio, Manuel P. Villar, Juan Silos Jr., Macario Ramos

[Verse 1]
Mahiwaga ang buhay ng tao
Ang bukas ay 'di natin piho
At manalig lagi sana tayo
Ang Diyos siyang pag-asa ng mundo

[Verse 2]
Pag-ibig sa 'ting kapwa tao
At laging magmahalan tayo
Yan ang lunas at ligaya
At pag-asa ng bawat kaluluwa

[Verse 3]
Irog, 'di mo ba naririnig
Ang himutok ng pag-ibig at awit
Ng puso galing sa dibdib
Langit, bakit 'di mo pakinggan
Nais ko sana'y mapawi
Ang hirap at dusa na pinapasan

[Verse 4]
Tunay na tunay irog, ako'y balisa
Hirap na lamang ang laging nakikita
Bakit ang puso ko ay walang ligaya
O buhay, niyaring buhay, maawa ka

[Verse 5]
Panaligan mo sinta ang aking pagmamahal
Ang puso ko'y asahan mong iyo lamang
Maniwala ka mutya, ang ligaya ko'y ikaw
Pagsuyo ko sa 'yong ganda'y walang hanggan

[Verse 6]
Sakaling masawi niyaring puso
At kahit palad ko'y mabigo
Kung ikaw ang siyang sanhi
Ay hindi magdaramdam
At langit din ituturing niyaring buhay
At langit din ituturing niyaring buhay

Trivia about the song Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan by Leo Valdez

When was the song “Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan” released by Leo Valdez?
The song Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan was released in 1984, on the album “Mga Paboritong Awitin”.
Who composed the song “Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan” by Leo Valdez?
The song “Mahiwaga / Tunay Na Tunay / Panaligan” by Leo Valdez was composed by Antonio Maiquez, A. Torres, Levi Celerio, Manuel P. Villar, Juan Silos Jr., Macario Ramos.

Most popular songs of Leo Valdez

Other artists of