Ikaw At Ako

JOHN OLIVER A. AGUSTIN

Hindi makatulog ang aking isip
Diwa ko'y tila nagwawalang sabik
Kailan kaya ikaw babalik
Kailan kaya kailan kaya
Maari ba'ng tayo'y pumikit
Ikaw at ako

Halika na pakinggan mo
Ang bawat sigaw ng aking puso
Walang ibang nilalaman
Ikaw ikaw lang talaga

Tuwing ako'y nakatingin sa langit
Tanging ito ang aking dalangin
Kailan kaya ikaw babalik
Bukas sa makalawa kailan kaya

Halika na pakinggan mo
Ang bawat sigaw ng aking puso
Walang ibang nilalaman
Ikaw ikaw lang talaga

Maaari ba'ng tayo'y pumikit
At iwan ang bawat pait
Ikaw at ako'y magkalapit
Ikaw at ako oh

Halika na pakinggan mo
Ang bawat sigaw ng aking puso
Walang ibang nilalaman
Ikaw ikaw lang talaga

Halika na pakinggan mo
Ang bawat sigaw (ang bawat sigaw)
Ng aking puso
Walang ibang nilalaman
Ikaw ikaw lang talaga
Ikaw tanging ikaw

Most popular songs of Letter Day Story

Other artists of Punk pop