Tao Lang
Uy si Loonie yun ah
Tara lapitan natin
Idol FlipTop tayu
Tara isa lang kuya sige na
Parinig naman ng rap mo sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo arbor nalang yan
Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago
Bakit wala kang battle takot ka bang matalo ha
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Wag sanang apurado anong magagawa ko
Wala akong maisip masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik
Pagod lang talaga galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat nagkalat ang papel na nilamukos
Andame ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking bolpen malapit ng maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko (tulad ko)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tulad mo)
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na kasi
Sapul sa pagkabata sablay nung tumanda
Lumakad humakbang hanggang sa madapa
Wag kang mawawalan ng pag-asa wag kang madadala
Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang hulugan ang bayad
Kaya wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali
Yan ang sabi sa akin ng aking itay na
Pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay
Hindi nasusunod
Ayoko ng sumali gusto kong manuod
Minsan wala ng gana ayoko ng mag Rap
Kase akala ko dati alam ko na lahat
Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko (tulad ko)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tulad mo)
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na
Pero di ba tao ka lang din hindi mo ba napansin
Kahit anong taas mo na titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti bakit ganun pa rin
Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin
Kadalasan nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g'anong alam
Ano magagawa mo tao ka lang
Napapagod natatakot naiinip
Natatawa nagtataka naiinggit
Nangangawit nagagalit nabibigla
Nalulungkot nauutot nahihiya
Natutukso nakukonsensya nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko (mali ba na magkamali)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (ako'y katulad mo)
Ano ba ang dapat na gawin (tulad mo tulad niya)
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko (mali ba na magkamali)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang pasensya na)
Ano ba ang dapat na gawin (ano ba)
Dapat bang kamuhian (ano ba)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Pasensya na tao lang
Pasensya na tao lang
Kagaya mo tao lang
Pasensya na tao lang (kagaya mo)
Pasensya na tao lang
Pasensya na (wala tayong pagkakaiba)
Pasensya na sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang
Pasensya na