Tabing Ilog

Lu Anicette Marzan

Galing sa eskwela pauwi
Sumakay ng tricycle at ginabi
Di namalayan na sa sobrang pagod ay
Unti-unti na akong nakatulog
Ngunit pagkagising ay binalot ng pagtataka
Sa ibang lugar na pala ako dinala
Nang pahintuin si kuya siya ay natawa
Sabi niya sa akin ay "miss, relax ka muna"
Biglang nakutuban, katawa'y nanginginig
Mukha ni Maria ay pinuno ng luha at pawis
Puso't isip ay binalot na ng takot at karuwagan
Ano na kaya ang aking kahihinatnan
Ohh kahihinatnan
Ohh
Galing sa eskwela pauwi
'Di inaasahan na sandali
Na masisilayan na dito nalang
Ang huling oras ng aking buhay
At nang magising na aking diwa
Napagtanto ko na wala na akong kawala
Sa kamay ng kamatayan na ako'y mahihiga
Siguro nga, ako ay mamamaalam na
Biglang nakutuban, katawa'y nanginginig
Mukha ni Maria ay pinuno ng luha at pawis
Puso't isip ay binalot na ng takot at karuwagan
Ano na kaya ang aking kahihinatnan
Ohh kahihinatnan
Ohh
Hindi na ba 'to matatapos?
Nasayang lang ang buhay ko
Katawan ay nakagapos
Mga pare hindi na patas 'to
Sumasabay nalang sa agos
Ang hustisya ko'y makikita
Sa tabing ilog, makikita
Biglang nakutuban, katawa'y nanginginig
Mukha ni Maria ay pinuno ng luha at pawis
Puso't isip ay binalot na ng takot at karuwagan
Ano na kaya ang aking
Biglang nakutuban, katawa'y palutang-lutang
Sa tabing ilog na itinapon ang aking laman
Puso't isip ay wala nang buhay
Sana okay lang kayo riyan
Mga pare hanggang dito na lamang
Ang buhay kong hiram
Sa tabing ilog
Sa tabing ilog
Sa tabing

Trivia about the song Tabing Ilog by Lu

Who composed the song “Tabing Ilog” by Lu?
The song “Tabing Ilog” by Lu was composed by Lu Anicette Marzan.

Most popular songs of Lu

Other artists of Pop